Poetry

 

The Return of Pepe

By Jess Guim

 

He was endowed with talents,

Raised by the love of his father,

Under the brilliant skies of his town.

 

His concepts as great as Newton ,

And the late President Lincoln,

Lured him to take law as profession.

 

After high school, his father sent him

To the rich city of crowded Manila –

Hoping his son will become a lawyer.

 

At first, in his letter to his father:

He was vying for honors and merits,

Proven by his grades of perfect 1’s.

 

But a classmate, son of rich couple

From luxurious Forbes Park, lured him

To take LSD and smoke Maryjane.

 

Soon, after then, he buried himself

Into the ravine of prohibited drugs,

‘Til his borrowed life was ruined.

 

Now, the town and his loving father

Lament, mourning in his tragic return.

For now in silence, he’s lying in a coffin.

 ——————

 

INVICTUS  (‘Di Pasusupil)

ni William Ernest Henley – 1849 – 1902

(Isinalin sa Tagalog ni Jess Guim)

 

Mula sa gabing bumabalot sa akin,

Sa singdilim na hukay at buong lalim,

Ako’y nagpasalamat sa Diyos natin,

Sa espiritu ko’ng ‘di kayang supilin.

 

Sa pagkalugmok na walang makapitan,

Hindi umigtad o dili kaya’y sumigaw.

Minsa’y binubugbog o ginagarote man,

Ulo kong duguan ay walang yuyukuan.

 

Sa kabila ng mga pagpipighati at galit,

Bumabadha’ng mga pangamba’t lagim,

Mga panahong nagbabalang-panganib,

Anumang takot sa’kin walang masilip.

 

Walang silbi makipot na bilangguan,

Maging lahat na naitalang kaparusahan,

Ako ang panginoon ng aking tadhana:

Ako ang kapitan ng aking kaluluwa.

 

INVICTUS  (unconquered)

By William Ernest Henley, 1849 – 1902

OUT of the night that covers me,

Black as the Pit from pole to pole,

I thank whatever gods may be

For my unconquerable soul.

 

In the fell clutch of circumstance

I have not winced nor cried aloud.

Under the bludgeonings of chance

My head is bloody, but unbowed.

 

Beyond this place of wrath and tears

Looms but the Horror of the shade,

And yet the menace of the years

Finds, and shall find, me unafraid.

 

It matters not how strait the gate,

How charged with punishments the scroll,

I am the master of my fate:

I am the captain of my soul.

 …..

 “Invictus” was a poem that inspired Nelson Mandela, now a South African President, who was once imprisoned because of the Apartheid. When Mandela got out of prison, and became the President of South Africa, he tried to unite the black and white skinned citizens. He succeeded it through a sport the South Africans loved, 1995 World Cup Rugby Championship. It was portrayed in the movie INVICTUS.

Regards sa mga taga-Bulan. Mabuhay kita.

Jess Guim, New York City, USA

Owner and writer at Experts Write About

 

……. 

 Ang Daing  

Sandigan ng iyong sariling bayan
Nakaluklok sa isang maranghiang upuan
Namumuno sa sambayanan
Nag-aantay ng lubusan
Sa bawat isa na iyong pasan

Pinagkatiwalaan
Ng mga mamamayan
Kinandong ang iyong pangalan
Para sila’y mabigyan
Ng magandang kinabukasan
Ngunit hanggang ngayon
`Di pa nasisimulan
Pangakong tinabunan
Ng panahong nakaraan

Idilat ang mga mata
Sa mga nag-aantay sa kanya
Nawawalan na ng pag-asa
Sana’y dalidalian na
Mga tulong na sinimulan
Hanggang ngayo’y nakabitin
At unti-unting nililipad ng hangin

Tignan ang mga bata
Pahalagahan at bigyan ng biyaya
Napapanahon na para sa kanila
At huwag magbuntong hininga
Nawa’y mabuksan ang puso ni Ina
Na palakadlakad na walang dala

Huwag hayaang
Parang abestrus sa ilang
Batang munting
Humihingi ng pagtingin
Huwag maging pipi sa hiling
Si Neneng na may daing
Na hangang ngayo`y
Wala pang dumarating

Pagmasdan mo
Sumususong sanggol
Nakadikit sa ngalangala
Di maibsan ang uhaw
Kahit kaunting gatas
Walang masip-sip
Kaya di natigil
Ang pag-iyak

Kaawa- awang bata
Balat sa katawa`y
Nanunuyo kulubot na
Na nakadikit sa buto
Talagang gusgusin ang dating
Sa aking paningin

Maigi pang yumaho na sila
Noong isinilang ni Ina
Kaysa nakikitang nagsisihapay
Sa daan ay naka handusay
Walang makain
Kahit kapirasong tinapay
Nasaan ang puso ni Inang Bayan
Pagkalinga mo at awa
Hinihintay pa rin
Ng mga kaawa-awa
Kahit mga matay lumuwa

Hiling sa iyo
Ito ay isagawa
Kapighatian idinaing
Huwag isawalang bahala

Mga sawing palad sa lipunan
Ang kanilang daghoy ay pakinggan
Naging ulila dahil sa kawalan
Tangis at poot ay umuulan
Sa mabagsik na kapalaran
 
Pusong nagdadalamhati
Sa mga pighati
Inaantay ang pag-ngiti
Na sana`y isang araw
Mga daing
Magkaroon ng katuparan
Para lahat ay magbunyi

 
Akda ni milagros
Hulyo 2008

 _______________________

 

Bayan Ko, Nasaan Ka?

 

I

Bayan ko, nasaan ka?

Mga anak mo ay nagdurusa at naghihinagpis

Bakit, bakit iniwan mo ako, bayan ko.

Alam ko naghihinagpis ka rin dahil sa nakikita mo

ang mga anak mong naulila at nagdurusa.

Sa daluy ng luha at hinagpis tayo ay magkasama.

Gising! Gising bayan ko!

Tingnan mo ang mga anak mong nagdurusa sa kamay ng kanyang kapwa.

11

kawal! Gumising ka, tingnan mo ang hinagpis ng bayan mo

tigilan! tigilan ang di pagkakasundo.

Mahalin mo ang kapwa mo,kagaya ng pagmamahal mo sa anak mo

Imulat mo ang  mga mata mo at tingnan mo ang ginagawa mo

Pinatay mo ang Ama at Ina ng mga kawawang bata

Saiyong pagiisip, anong mangyayari sa mga naulila?

Daldalhin mo saiyong dibdib habang nabubuhay ka.

Ang pagsisisi sa pagpatay mo sa iyong kapwa.

Hindi dahil sila ay may  sala,

Kundi ito ay dulot ng kasakiman sa salapi ng ating pinonong iyong pinagsisilbihan  

111

Sainyong pagsasalakay sa mga parang at kabukiran,

Mga dampa at kahirapan ang iyong nadaratnan

Imulat mo ang mga mata mo at tanungin mo ang sarili mo

Ito ba ang mga taong naghihirap  ang hinahanap ninyo?

Ang pobreng tatay ay nagaararo sa bukid sa ulan at sa init  siya’y nakalantad

Ang pobreng nanay ay nagluluto ng kanin na may halong camote,

Toyo ang ulam at kong minsan ay asin.

Ang kahirapang dinaranas nila , dibdib nila ay  sumisigaw

Nasaan ang katarungan, Nasaan ka, bayan ko,  saklolohan mo ako.

1V

Sa ibayong lugar, sa palasyong Malakanyang

Ang ating Pinono at ang kanyang kasamahan

Nagsasayawan , naghahalakhakan at nagsasalo-salo sa marangyang kainan

Parang ang mundo’y wala ng katapusan

Ang mga alahas ng mga ginang, nagtatalsikan sa kinang,

Ito ang dahilan kong bakit ang bayan ay nakalugmok sa hirap

Dahil sa kasakiman ng ating Pinono sa salapi  na walang katapusan

V

Hirap, gutom, pawis, dugo at luha ang dumadaluy 

Sa bawat oras at araw na lumilipas

Mga taong nagugutom  hindi lang sa pagkain kundi  hanap ang katarungan

Nasaan ang pag-asa bayan ko, Nasaan ka!

 

akda: Dora the Mouse

 
 
 
 
 ________________________________ 

 

 

 

Uwak

 

Kay lakas ng iyong sigaw
Nagbabadya ng isang banta
Sa sasakop sa iyong tropa
Matatalim na matay nakadilat na
Kitang-kita na handa ka na

Itim na parang uling
Kumukislap sa araw at dilim
Nakikita lahat at binibigyan ng pansin
Sa kaway ng aking kamay
Uloy linihis at iniba ang tingin

Minsay ikay kausap
Titig na pasulyapsulyap
Sa layo ko’y hinanap
Hinintuan at hinarap
Parang ikay nangangarap

Kisap ng iyong mga mata
Ako ay humanga
Taglay ang talino
Sa labas at loob ng iyong anyo
Taghoy, panangis at daing
Dala sa taong may hiling

Balitang kalakip
Sa taong nag-iisip
Buksan ito at ipasilip
Adhikain at layunin
Sa isang taong matulungin
Na may bukal na damdamin

Napag-alaman ko
Na binigyan ka ng kakayahan
Na magkagayo`y
Maari mong alagaan
Mga taong may misyon
Sa isang bayan
Kung papaano ito pinahintulutan
Ikaw lamang ang nakakaalam

Bantay tanod sa gitna ng dilim
Hindi pababayaan
Mga kasamang taimtim
Sa pagkat ito ang hangarin
Sa kapwa mong matulungin

Panaginip at hangarin
Sadyang nakalarawan sa akin
Sa paglandi-landi sa hangin
Lahat ay nakatingin
Sa gubat na pinagpala
Sa iyo`y walang makakasaling

Pugad na kay tatag
Ilang bagyo man ang dumagsa at lumatag
Ano man ang lakas nito`y
Hindi ka mabubuag
Pagkat taglay ang habag
Sa buong araw at magdamag

Sa kalawakan ng gubat
Winawagayway ang pakpak
Sigaw na umaapaw
Sa sariwang hanging nilalanghap
Ikaw ay giliw na giliw
Dahil sa kalayaan mong tinatanggap

 

Pagmamasid
Hulyo 2008
Akda ni milagros

 __________________________

  

Batang Paslit 

Aking natunghayan
Kababata sa aking bayan
Puso koy nagdurugo
Dahil sa iyong kalagayan

Kay lupit-lupit naman
Ng iyong kapalaran
Gusto kitang tulungan
Para may kinabukasan
Ngunit wala akong kakayahan

Batang paslit na katulad ko
Palaboy laboy sa lansangan
Kakalam-kalam ang Tiyan
Di alam kung saan ang tungo

Asan ka Inang bayan
Bakit sila sa bilangguan
Bigyan ng pansin at katarungan
Isang batang api
Na walang muang

Kami`y nagsusumamo
Sa puso`y pakinggan mo
Dalangin sa may Kapal
Sanay dinggin mo

Katarungan
Abril 2006
Akda: milagros

 ___________________________

Dalangin ni Aling

by Emilia

Akoy isang bata
Ngunit marunong tumanaw at umunawa
Sa kapwa kong bata na nagdurusa
Sa ilalim ng naghihirap na bansa

Sa palagay ng nakakatanda
Walang kamuang muang
Palaboy-laboy sa lansangan
Ngunit nag-iisip at nagaantay
Ng mailalaman sa sikmura

Takbo dito, takbo doon
Pagod na pagod na ako
Wala man lamang huminto at makapansin
Na kumakalamkalam
Ang sikmura ni aling

O kailan kaya?
Kailan kaya ako makakatikim?
Ng malutong na Fried Chicken
At isang tambak na kanin

Kung sino man ang makapagbibigay sa akin
Lualhati kong pasasalamatan
Abot puso sa kalooban
Sa ipinagkaloob na pagkain
Kahit minsan lang makatikim
Batang nagdidildil ng asin

Panginoon! Ituro mo
Kung sino ang taong may pansin
Pasasalamatan ng todo-todo
Kapag nabigyan ng laman
Ang kumukulong tiyan

Ito ang aking hiling
Sanay iyong dinggin
Batang katulad ko
Naghihintay ng sagot
Sa mataimtim
Kong dalangin

One response to “Poetry

  1. salamat sa mga taga bulan na nasa harayo na mga lugar kay diri kamo nakalimot sa iyo hinalian…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s