https://www.esquiremag.ph/politics/opinion/noynoy-aquino-west-philippine-sea-a00293-20210624-lfrm
President Benigno Aquino III
President Aquino’s visit in Zürich
President Benigno Aquino III’s visit to this ice – covered Zürich last Saturday, January 26, was brief and concise as he gave a summary of his WEF participation in Davos and the progress achieved to date of his administration. It was a relaxed atmosphere in that morning in Renaissance Hotel Zürich where Filipinos – most of them also holders of Swiss passport – from all over Switzerland and the Liechtenstein flocked happily to meet personally their President.
There was a sense of pride all over the place for this time Filipinos were expecting to hear the good news coming from the President himself – good news this time about the growing economy, fight against corrupt government officials, etc. It is true that as we change our views and attitudes toward our system, we also change the same of the world upon us. The Philippine’s international image has been upgraded since President Benigno Aquino assumed office. And the Swiss are aware of the positive changes happening in our country and that’s really what affects the Filipinos in their daily life here in Switzerland. It’s amazing how the Swiss people react this way, this from the people whose country still has the best performing economy and institutions the world over. There are much to be learned from the Swiss system of governance, democracy and entrepreneurship. And the Filipino community here desires also only the best for our country – the Swiss way as much as possible.
President Aquino lauded the Filipino community here as being one of the most respected and appreciated foreign groups in Switzerland who contribute also to the stability of both the Swiss and Philippine economies. Not to forget that the old Swiss humanitarian tradition – Switzerland being the birthplace of the International Red Cross- also has long found its niche in every Filipino residing here. Swiss-Filipinos, through their respective local organizations, are on the frontline when it comes to helping disaster victims in the Philippines.
The visit was short for the President had to catch his plane homeward bound after lunch. And so there was no more forum to throw questions such as the Enrile Problem and the current mess at the Senate where senators quarrel over their financial “Christmas” gifts, the ongoing talks with the Bansangmoro, the communist insurgency, etc.
We hope that President Aquino would realize much of his development plan for our country during his term, the institutionalisation of the reforms achieved to prevent the rollbacking to the old ways of Wang-wang mentality, to the self- serving government and public officials of the past administrations.
At the end of his speech was picture-taking. The Filipinos and some Swiss nationals who were present did not hesitate to be photographed beside President Aquino, another proof of his international popularity and trust to his intentions. Yes, public service is public trust.
jun asuncion
(photos by junasun)
Related news extracted from the President’s official communication websites:
Aquino accepts donation from Filipino community in Switzerland for victims of Typhoon PabloJanuary 27, 2013
ZURICH, Switzerland) President Benigno S. Aquino III thanked the Filipino community from Switzerland and Lichtenstein for extending aid to victims of Typhoon Pablo in Mindanao.
An initial check worth 8,650 Swiss francs was turned over to the President during his meeting with the Filipino community here.
“Marami pong nag-donate ng konting halaga para sa mga biktima ng bagyong Pablo na tumalasa sa ating bansa noong nakaraang buwan. Noong nalaman po nilang darating kayo dito sa Switzerland, ninais po naming magbigay pa ulit ng kaunti pang tulong,” Ambassador to Switzerland Leslie Baja said in his remarks.
The initial donation, however, was increased to 9,050 Swiss francs.
During his speech, the President lauded the members of the Filipino community for their donation. “Lampas po sa halaga na ipinagkaloob niyo sa ating mga kapatid na nabiktima ng Bagyong Pablo, talaga naman pong napapadama niyo sa kanila na hindi sila nag-iisa,” President Aquino said.
The President said that the donation is the best present that they could give to the Filipinos in the country. “‘Yun po ang talagang napakagandang ipapasalubong natin sa buong Pilipinas,” he said.
President Aquino met with the Filipino communities in Switzerland and Lichtenstein before his return to Manila following his successful participation to the World Economic Forum Annual Meeting in Davos.
—————-
President Aquino calls on Filipino Overseas Workers in Switzerland to uniteJanuary 27, 2013
ZURICH, Switzerland) President Benigno S. Aquino III called on the members of the Filipino community here to unite and continue to tread the straight path as he moves to implement the various reforms needed to effect the country’s march towards progress and development.
The Chief Executive, who arrived here to attend the annual meeting of the World Economic Forum from January 23 to 27, spearheaded the greet-and-meet activity with the Filipino community at the Renaissance Hotel here to personally oversee their condition.
In his speech, the President shared the positive changes and the economic developments back home during the last two and a half years of his administration, including the confidence of the international community in the Philippines, and the stock market’s remarkable performance that keeps the country’s resiliency despite the global crisis.
The President told members of the Filipino community present during the event that the Philippines’ Gross Domestic Product (GDP) has continued to grow despite the global economic crisis. “Alam naman po ninyo na iyan ang pangunahing sukat ng sigla ng ekonomiya ng isang bansa,” he said.
The country’s GDP has expanded by 7.1 percent in the third quarter of 2012. The stock market index also posted record highs 70 times. “Tinalo po natin pati ang sariling mga projection. Sunod-sunod ang record-high sa ating Philippine Stock Exchange index,” he said.
“Sa katunayan, mula June 30, 2010, kung kailan po tayo nag-umpisang manungkulan, umabot na sa pitumpung beses ng nabasag ang record po ng ating stock exchange.”
The President expressed hope that the stock market index will reach the 6,500 level by next month, particularly on his birthday, and the 7,000 level by year-end. “Palagay ko, hindi pa naman ito nasisira sa atin, mukhang malaki ang pag-asang mangyari po ‘yan,” he said.
The President also cited the confidence of the international community in the Philippines as evidenced by the influx of investors who have already expressed their interest to invest in the country.
“Naaalala ko nga po dati, sa panahon ng aking ina: naisama po ako sa ilang biyahe po niya, nagpunta po ako sa Japan, at halos nagmamakaawa tayong magtayo sila ng negosyo sa Pilipinas. Pero ngayon po, tayo na ang pinipilahan,” he stressed.
“Gusto po nilang makisakay sa momentum ng pag-angat ng ating ekonomiya. At hindi po sa iisang sektor ito –mula sa edukasyon, sa imprastruktura, hanggang sa information technology, iisa ang bukambibig ng mga malalaking kumpanya –’Sali naman kami diyan,’” he added.
President Aquino likewise mentioned the reforms in the judiciary, and the signing of the Bangsamoro Framework Agreement between the Philippine government and the Moro Islamic Liberation Front.
“Ipinakita natin sa buong mundo ang bisa ng isang mapayapang diyalogo; higit pa rito, inilalapit natin ang Mindanao, ang naturingang Land of Promise, sa pangako ng kapayapaan at kasaganahan, na matagal na niyang inaasam,” he said.
During his speech, The President called on Filipino overseas workers for a continued support.
“Nasa kamay muli ng Pilipino ang manibela –itutuloy ko ba ang paglalakbay sa tuwid na daan? O pipiliin ko bang mag-U-turn pabalik sa kalsada ng katiwalian at kahirapan? Mahalaga pong ipaalala –ang pagsisikap ng bawat isa ay magsisilbing gasolina sa matiwasay na pagtakbo at tuluyang pag-arangkada ng ating bansa,” he said.
“Kaya nga po, karaniwang tao man o kasama natin sa paglilingkod-bayan, nasa Pilipinas man, o dito sa Zurich, saan man pong sulok ng mundo –bawat brasong nakikisagwan, bawat balikat na nakikipasan, bawat kakamping sumasagupa sa lumang sistema upang itawid ang ating reporma–kayo po, kayo ang gumagawa ng pagbabago, at hinihiling ko ang patuloy pa ninyong pakiki-ambag. Pasulong po ang ating martsa sa tuwid na landas; wala pong atrasan ito; huwag tayong pumayag na dumulas pang pabalik sa dating kalakaran,” he said.
President Aquino noted that with his move to keep the country toward a straight path, the Philippines has indeed changed. “Wala na nga po sigurong dudang nagbago na talaga ang Pilipinas,” he said.
“Kung dati po, ang tinatanong sa inyo kung bibisita kayo sa atin, ‘Paano ka nakaalis? Anong mga hakbang ang ginawa ninyo para makatakas?’ Ngayon po, ang malamang itanong sa inyo kung kayo’y makakauwi: ‘Kailan kayo uuwi ng permanente?” Tunay nga pong kay sarap maging Pilipino sa mga panahong ito,” he said.
In closing, the President thanked the Filipino community of Switzerland for their warm welcome despite the cold weather. “Kahit ano pang kapal ng ating isuot, wala pa rin pong hihigit sa init ng pagsalubong ng mga kababayan nating Pilipino,” he said.
“Kaya naman po, maraming salamat ulit sa pagyakap ninyo sa amin ngayong hapon; talaga pong napaka-warm ng welcome po ninyo, talagang napapawi ang ginaw at pagod ng buo nating delegasyon,” he concluded.
——————–
President Aquino says holding of 2014 East Asia Summit for the World Economic Forum in the Philippines to put country in the world mapJanuary 26, 2013
DAVOS, Switzerland) President Benigno S. Aquino said the holding of the 2014 East Asia Summit for the World Economic Forum (WEF) in the Philippines will put the country in the “center stage of the world map.” The President echoed this statement as he announced that he has accepted the offer for the Philippines to host the WEF East Asia Summit next year.
President Aquino arrived in Davos, Switzerland last Thursday to attend this year’s WEF Annual Meeting from January 23 to 27. His attendance to the annual meeting provided him the opportunity to highlight the Philippines as an investment haven and tourist destination for the benefit of the country and the Filipino people as a whole.
“We agree to host the East Asia Summit for the WEF in 2014,” the President said following his successful attendance at the conclusion of the WEF annual meeting.
He noted that when the East Asia Summit for WEF is held in the Philippines next year, the participants would be experiencing a warmer weather compared to the freezing weather condition experienced by the participants attending this year’s WEF annual meeting.
The President pointed out that the holding of the 2014 East Adia Mummit for WEF in the Philippines would certainly benefit the country and the Filipino people as a whole.
“It puts us at the center stage of the world map for that period, which is something like July or so. The details will have to be worked out, it was offered to us and I accepted hosting the event,” he stressed.
The President, who was visibly animated by his successful participation at the WEF Annual meeting which was participated in by global leaders, chief executive officers, top business financial executives and other stakeholders from Europe and other parts of the world said the best meeting he had attended was the roundtable luncheon meeting arranged by the Ayala Corporation.
The roundtable meeting was attended by chief executive officers and top businessmen not only from Europe but also from other parts of the globe representing a wide array of businesses.
“We were able to touch base with so many other leaders of various countries like the Dutch Prime Minister,” the President said.
He said that one of the entities who was in the roundtable meeting is sending a team to the Philippines anytime this year to look and explore areas that they would be interested in.
———————————
Speech of President Aquino during his meeting with the Filipino community in Switzerland, January 26, 2013
Talumpati ng Kagalang-galang Benigno S. Aquino III Pangulo ng Pilipinas Sa pakikipagpulong niya sa mga Pilipino sa Suwisa
[Inihayag sa Zurich, Suwisa, noong ika-26 ng 2013]
Maraming salamat po. Maupo ho tayong lahat.
Secretary Albert del Rosario; Ambassador Leslie Baja; Secretary Cesar Purisima, baka hindi po n’yo po alam, Secretary of Finance natin; Secretary Greg Domingo of the Department of Trade and Industry; of course, marami raw hong fans ‘yung susunod na ipapakilala ko sa inyo, si Secretary Butch Abad, [laughter and applause] Marami raw hong taga-Batanes dito. Patay na. Hindi ka na uli mananalo ulit. Butch, nandito na lahat ang botante mo. [Laughter]
Cabinet Secretary Jose Rene Almendras [applause]; atin pong Director General, Secretary Arsenio Belisacan ng NEDA; [applause] si Secretary Carandang, kilala na ho n’yo siguro, hindi ko na ipapakilala; [applause] Ambassador Evan Garcia; Ambassador Esteban Conejos; Mr. Bill Luz; members of the Filipino Community in Switzerland and Liechtenstein—tama ho ba? [Applause]
Honored guests; mga minamahal ko pong kababayan:
Magandang hapon po sa inyong lahat.
Pagpunta ko dito, talagang tinuruan akong mabuti kung paano magbalot ng husto dahil malamig raw ho sa Davos, pero sabi ho ni Butch Abad, pareho lang sa Batanes. [Laughter] Basta may bagyo at madaling araw sa bandang Enero at naka-short pants ka lang, ganoon kalamig raw sa Batanes. [Laughter] Pero talaga naman hong napakainit ng pagsalubong n’yo. At alam naman ho n’yo— pangatlong araw ba natin dito? Pang-apat? Pang-apat na araw. Pasensiya na ho kayo. Pinaalis kami ng Pilipinas kasi, alas-onse ng gabi. Kaya counted na raw ‘yong one day. Tapos pagbalik ko, siyempre, bibigyan kami ng mga limang oras, balik sa mga problemang hinaharap natin, pero ang init ng pagsalubong n’yo, sulit na rin hong walang tulog, gininaw, pero marami hong nangyari. Kaya ulit, maraming salamat po sa inyong lahat. [Applause]
Ngayong naimbitahan po tayo dito sa Switzerland, naalala ko po, 1982 pa pala nang huli kong madanas ang winter. Sa bahay pa po namin iyon sa Boston noong naka-exile po ang buong pamilya namin. At kapag taglamig po ay talagang natatabunan ng yelo ang mga kalsada sa lugar po namin.
Sa mga pagkakataon pong iyon, bilang panganay at paboritong anak na lalaki ng aking mga magulang… [laughter] Kita n’yo, sang-ayon ho kayo, di ba? [Laughter] Ako po ang itinuturing na “tigas” sa aming pamilya: tiga-shovel, [laughter] tagapala ng snow, tigasilab ng apoy sa fireplace, tigalinis ng kotse, taga-alaga ng aso, at marami pang iba. [Laughter] Kaya ako ang pinakatigas ho doon. Minsan-minsan ho, tigasaing rin. [Laughter]
Kuwento ko na rin ho sa inyo: Dahil sa totoo naman ho, noong nag-aaral ako, ‘di naman itinuro ‘yong paano mag-saing eh. So sabi ng kapatid kong babae, kumuha ka ng ganito karaming bigas, tatapatan mo ng ganito karaming tubig, ilalagay mo sa rice cooker, i-on mo ‘to, ‘pag naluto, titigil ‘yan. [Laughter] Mayroon naman ho tayong titulo—kaya ko ‘yan. So, nagkataon ho, wala ‘yong nanay ko, wala ‘yong mga kapatid kong babae, kami lang ho ng tatay ko nasa bahay, siya paparating, ako tagaluto ngayon. Noong kinakain na po namin ‘yong aking isinaing na bigas, naging kanin, habang sinusubo ko, sabi ko, “Ba’t kaya ganito lasa nito, parang mapulbo?” [Laughter] Nakalimutan hong sabihin na kailangan palang linisin ‘yung bigas, [laughter] bago ilagay ‘yung tubig. Buti na lang ho, gutom ang tatay ko, ‘di na niya napansin. [Laughter] Pero nabawian naman po niya ako. Niluto niya kasi sa akin ‘yung bistek. Tapos eh, siyempre ho, ‘di ba wala namang kalamansi sa Boston. Pero ang sarap ho—tama ‘yung alat, tama ‘yung asim. Ang galing ng tatay ko talaga pati pagluto. Sabi ko, “Dad, galing mo palang magluto.” Sagot sa akin, “Wala kang bilib eh.” Kinabukasan, hinatid ko sa airport, mag-isa lang po ako. Tapos, mayroon ho akong binili kasing Lea & Perrins na sarsa the day before. Nagtataka ako, bagung-bago ‘yung bote, noong umalis ang tatay ko, wala na hong laman. Kaya pala tama ang timpla nitong bistek, ibinuhos lang niya ‘yung sarsa. [Laughter] Maabilidad ho talaga ‘yong tatay ko.
Alam n’yo ho, matagal na nga ho ako uling hindi nakaranas ng winter. Tapos, kailangan kong malaman ulit ‘yung, ano nga ang kailangang gawin para ‘di masyadong ginawin? So, tulad nga ho ngayon, iniisip ko kung kakaharapin ko kayo, iniisip ko po, kung anong magiging attire ko sa pagharap sa inyo, lalo na ngayong medyo hindi na ho kasing kapal ‘yong buhok natin. [Laughter] Sabi ko, “Magsusuot ako ng sweater. Papatungan natin ng coat; lagyan pa natin ng overcoat; [Laughter] maglalagay na rin ako ng ski mask, gloves, at mayroon pang matching scarf galing kay Kris.” Pero hindi ko na po itinuloy na isuot lahat ito. Baka naman ‘pag nakita n’yo ako, sabihin n’yo, “Sino kaya nagpanggap na Pangulo ng Pilipinas na ‘yan? [Laughter] Hindi namin makita ‘yung mukha.” [Laughter] So tiisin ko na lang ho ‘yong lamig, para sigurado kayong ako ‘yong katapat n’yo at hindi snowman. [Laughter]
Pero alam ho n’yo, kahit ano pang kapal ng ating isuot, wala pa rin pong hihigit sa init ng pagsalubong ng mga kababayan nating Pilipino. [Applause] Kaya naman po, maraming salamat ulit sa pagyakap ninyo sa amin ngayong hapon; talaga pong napaka-warm ng welcome po n’yo, talagang napapawi ang ginaw at pagod ng buo nating delegasyon.
Higit po sa lahat, nagagalak po kaming lahat makabisita rito at malaman na hindi lamang nasa mabuting kalagayan ang ating mga kababayan, kung hindi nagpapakitang-gilas din sa kanya-kanyang larangan. Nurse man o doktor, hotel worker o driver, accountant o manager, anuman pong propesyon, bilib at pinagkakatiwalaan po ang mga Pilipino dito sa Switzerland at sa Liechtenstein. [Applause] Sabi nga ho ni Ambassador Baja, kulang na lang po magsabit tayo ng banner sa convoy na nagsasabing, “Proud to be Pinoy.” [Applause] Sa tuwing may foreign trip po tayo at makakahalubilo ang ating mga kababayan, talagang taas-noo po ang mga Pilipino.
Hindi na nga po palaisipan: pagkalooban mo lang ang Pinoy ng kaalaman, kasanayan, at karanasan; ipuwesto mo lang ang Pinoy sa tamang lugar o kalagayan; bigyan mo lang ang Pinoy ng sapat na panahon, magpapakitang-gilas po tayo talaga. [Applause] Siyempre po, pinapatunayan ninyo ito; at pinapatunayan din ito ng mga Pilipino sa bawat panig ng mundo.
Sa kabilang banda naman, napapaisip din po ako: Bakit sa hinaba-haba ng panahon, hindi madala-dala sa ganitong ideyal na kalagayan ang kabuoan ng Pilipinas? Bakit may mga Pilipino pa ring isang kahig, isang tuka? Tila hindi dumarating ang nilaga, kahit buong-buhay nang nagtitiyaga?
Iyan nga po ang binabago natin sa Pilipinas ngayon. Inaayos natin ang mga kundisyon; ang gusto po natin, kung magbanat ka ng buto, tiyak kang aasenso. Inaalis na natin ang sistema kung saan ang umaangat lang sa buhay ay ang mga may kuneksyon, ang mga kayang manuhol, o ang mga nakakasikmura ng pandaraya. [Applause]
Napatingin ho si Jake ng relo niya, baka maiwan na ho kami ng eroplano. [Laughter] Huwag kang mag-alala, Jake. Papaspasan natin ‘to. Baka malagay pa tayong absent sa Lunes.
Nagtataguyod tayo ng lipunan kung saan kapag pumila ka, uusad ka; kapag nagsumikap ka, mabubuhay ka ng marangal at hindi inaabot ng gutom.
Hindi naman po natin kinailangan ng agimat o orasyon para simulang ilatag ang pagbabagong ito. Ginawa lang po natin ang dapat. Ang pera ng taumbayan, itinutok natin sa mga programang may katuturan; sinunod natin ang mga batas, at pinananagot ang mga lumalabag dito. Ang sabi nga po natin noong kampanya: Tanggalin ang tiwali, at itama ang mali.
Hayaan po ninyo, hayaan po ninyo akong magbigay ng ilang halimbawa. Mayroon pong isang kontratang pinasok ang pinalitan nating administrasyon: sabi po nila, ide-dredge daw po ang Laguna Lake. Maganda nga naman po sana. Tatanggalin ang naipong sediments upang lumaki ang water holding capacity ng lawa. Ang ganda hong pakinggan, ‘di ho ba? Dahil ‘yon ang pinagkukunan natin ng tubig para sa National Capital Region. Ang problema lang po, natuklasan natin ang huhukayin sa isang bahagi ng Laguna Lake, itatambak lang pala sa kabilang bahagi ng Laguna Lake. [Laughter] Baka akala ho n’yo, nagbibiro ako, nandoon ho ‘yun sa kontrata ‘yon. eh. Eh siyempre tanong naman ng ordinaryong Juan dela Cruz, “Paano naman lalaki ang water holding capacity kung ganoon?” Tapos, gagastos pa tayo, uulitin ko ho—tayo, gagastos pa tayo ng ‘di bababa sa 18.7 billion pesos. Baka hindi nakuha ‘yun, billion po ah, 18.7 billion pesos para maglaro ng putik. Putik natin ‘yon, ‘di ba? Sa Pilipinas ‘yun. Lalaruin natin ‘yung putik natin para sa prebilihiyo, at magbabayad ng 18.7 billion. Bakit po kaya may pumayag sa kahibangang ito? Sino kaya ang makikinabang? At palagay ko ho, hindi maglalaon, may maidedemanda na naman tayong panibago. ‘Di po tayo pumayag; pinigil po natin ang kontratang ito. Simple lang naman po ang gusto natin: kung may kontrata, idaan sa tamang bidding.
Patas na ang laban, hindi lang sa mga proyekto ng gobyerno, kundi sa ating mga merkado. Iyan po ang nakita ng buong mundo. Kaya nga po sa kabila ng global economic crisis, naging tuloy-tuloy ang pag-angat ng ating Gross Domestic Product nitong 2012.
Alam naman po ninyo na iyan ang pangunahing sukat ng sigla ng ekonomiya ng isang bansa; 7.1 percent po ang inangat ng ating Gross Domestic Product nitong third quarter ng 2012. Tinalo po natin pati ang sariling mga projection. Sunod-sunod ang record-high sa ating Philippine Stock Exchange index. Sa katunayan, mula June 30, 2010, kung kailan po tayo nag-umpisang manungkulan, umabot na sa pitumpung beses ng nabasag ang record po ng ating stock exchange. [Applause] Nito lang pong January 18, nagsara sa 6,171.70 ang ating stock exchange—isa na naman pong record-high. Alam po n’yo, bago tayo naupo, ‘pag umabot ng 4,000, pipitik lang ho sa 4,000, bababa na ulit. Parang paniwala ho, hindi kayang manatili doon o lampasan doon. Ngayon po, 6,000 na. ‘Yong mga gumawa po nito, sabi sa akin eh—hinamon ko na rin—kako nasa 6,000 na eh. Saan naman tayo tutungo susunod? Baka naman puwede 7,000? Ang sagot sa akin, aniya, siguro mga 6,500. Puwede na ‘yong 6,500. Baka puwede mangyari ‘yan sa birthday ko next month na ‘yun. [Laughter] Sabi ho niya, 7,000 na bago matapos ang taon. So palagay ko, hindi pa naman siya nasisira sa atin, mukhang malaki ang pag-asang mangyari po ‘yan.
‘Pag lalo pa po tayong nagtulungan, hindi na po ako magugulat kung sa susunod, sa talaan na tayo ng Guinness Book of World Records mapapabilang sa husay ng performance ng ating stock exchange.
Naaalala ko nga po dati, sa panahon ng aking ina: naisama po ako sa ilang biyahe po niya, nagpunta po ako doon sa Japan, at halos nagmamakaawa tayong magtayo sila ng negosyo sa Pilipinas. Pero ngayon po, tayo na ang pinipilahan. [Applause] Gusto po nilang makisakay sa momentum ng pag-angat ng ating ekonomiya. At hindi po sa iisang sektor ito: mula sa edukasyon, sa imprastruktura, hanggang sa information technology; iisa ang bukambibig ng mga malalaking kumpanya: Sali naman kami diyan.
Pinupuksa na rin po natin ang katiwalian sa mga institusyong panlipunan. Masusunod ang batas at kung lalabag ka rito, tiyak mananagot ka, gaano ka man kayaman o makapangyarihan. [Applause] ‘Di po ba, napatunayan na ‘yan nang natanggal sa puwesto ang mismong Punong Mahistrado ng ating Korte Suprema? Ang sabi po kasi ng Saligang Batas: Kailangan mong ideklara sa isang sinumpaang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth ang buong kayamanan mo. So, ang pera pong idineklara niya, wala pang dalawang porsyento ng kabuoan niyang ari-arian. Parang sa English po, less than two percent of his cash assets was declared. Eh kailangan lahat. Ikinubli niya sa publiko ang mahigit nobenta’y otso porsiyento ng kanyang pera. Matapos ang impeachment trial, sinubaybayan po ng halos buong Pilipinas, lumitaw po ang katotohanan at walang palusot na umubra sa taumbayan. Ngayon po, gumugulong na rin ang reporma sa atin pong hudikatura.
Isa pa pong halimbawa: ‘Di po ba kaytagal-tagal na di matanaw ang kapayapaan sa Mindanao? Ngayon po, siguro nabalitaan na ninyo ang Framework Agreement na nilagdaan sa pagitan ng Moro Islamic Liberation Front at ng ating pamahalaan. Sa halip na ulitin lang ang dating “all out war” na estratehiya, “all out justice” ang ating naging tugon. Ang mensahe natin: Ang bandido ay bandido; pero kung talagang may lehitimo kang hinanakit dala ng kasaysayan ng pang-aapi, handang makipagbayanihan ang gobyerno. Imbis na walang humpay na barilan, ipinarating natin sa ating mga kapatid na Muslim: Iisa ang adhikain natin: Kapayapaan. Heto ang sagwan, tara’t itutok natin sa iisang direksyon ang bangka ng bayan, upang sabay-sabay natin maabot ang ating mga pangarap. [Applause] Ipinakita natin sa buong mundo ang bisa ng isang mapayapang diyalogo. Higit pa rito, inilalapit natin ang Mindanao, ang naturingang Land of Promise, sa pangako ng kapayapaan at kasaganahan, na matagal na niyang inaasam.
Sa huli, naniniwala po ako na anuman ang sitwasyon natin ngayon, dinala po tayo dito ng kolektibong panawagan ng Pilipino sa pagbabago. Naharap po tayo sa isang sangandaan kung saan kinailangan nating pumili ng tatahaking landas: Dito ba ako sa nakasanayang ruta ng baluktot na sistema? O ikakabig ko ba sa tuwid na daan, kung saan ang sambayanan ang mabibigyang-kapangyarihan upang sama-samang isulong ang bansa? Kung iisipin, napakadali po sana ng naunang ruta. Pipiliin ko na lang ang normal na buhay kung saan sarili lang ang kailangan kong intindihin.
Opo, madaling sabihin, pero hindi ko po yata ito maaatim na gawin. Kung ito ang landas na pinili kong tahakin, para ko na ring sinabing normal ang masadlak ang Pilipinas sa katiwalian at kahirapan; normal ang talikuran ang ipinaglaban ng aking mga magulang; normal ang pagtaksilan ang mga Pilipinong matagal nang naghihikahos para sa mas maliwanag na kinabukasan. Buong-loob po nating pinili ang tuwid na landas, kaakibat ng lahat ng kailangang pagdadaanang lubak at sakripisyo. Hindi na po bago sa atin ito. Ako po, labindalawang taong gulang pa lang nang makaranas ng Martial Law, at mahigit apatnapung taon na po ng aking buhay ang umikot sa mundo ng serbisyo publiko. Dati po’y dakilang alalay, ngayon inaalalayan ng lahat. [Laughter and applause] Mulat din po tayo, bawat Pilipino ay may kanya-kanyang binuno at binubunong pagsasakripisyo. Ang kailangan lang po nating tandaan: lahat ng pasakit ngayon, ginhawa ang kapalit sa susunod na henerasyon. Ngayong abot-kamay na po natin ang pagbabago, saka pa ba tayo hihinto?
Nasa kamay muli ng Pilipino ang manibela: itutuloy ko ba ang paglalakbay sa tuwid na daan? O pipiliin ko bang mag-U-turn pabalik sa kalsada ng katiwalian at kahirapan? Mahalaga pong ipaalala: ang pagsisikap ng bawat isa ay magsisilbing gasolina sa matiwasay na pagtakbo at tuluyang pag-arangkada ng ating bansa. Kaya nga po: karaniwang tao man o kasama natin sa paglilingkod-bayan, nasa Pilipinas man, o dito sa Zurich, saan man pong sulok ng mundobawat brasong nakikisagwan, bawat balikat na nakikipasan, bawat kakamping sumasagupa sa lumang sistema upang itawid ang ating reporma—kayo po, kayo ang gumagawa ng pagbabago, at hinihiling ko ang patuloy pa ninyong pakikiambag. Pasulong po ang ating martsa sa tuwid na landas; wala pong atrasan ito; huwag tayong pumayag na dumulas pang pabalik sa dating kalakaran.
Hayaan po ninyo akong magtapos sa isang kuwento. Noon pong congressman pa lamang ako, pinalad tayong makaharap ang isang grupo ng walumpung estudyante ng nursing. Ang tanong ko sa kanila, “Ilan sa inyo ang mananatili sa Pilipinas pagkatapos ninyong maka-graduate at pumasa ng board exams?” Ang nagtaas po ng kamay ay napakarami: dalawa. [Laughter]
Wala na nga po sigurong dudang nagbago na talaga ang Pilipinas. Kung dati po, ang tinatanong sa inyo kung mabisita kayo sa atin, “Paano ka nakaalis? Anong mga hakbang ang ginawa ninyo para makatakas?” Ngayon po, ang malamang itanong sa inyo kung kayo’y mauwi, “Kailan kayo uuwi ng permanente?” [Applause] Tunay nga pong kay sarap maging Pilipino sa mga panahong ito.
Bago po ako magtapos, gusto kong iparating sa inyong lahat, lampas po doon sa halaga ng ipinagkaloob n’yo sa ating mga kapatid na nabiktima ng Pablo, eh, talaga naman po’y pagpapadama n’yo sa kanila na hindi sila nag-iisa. ‘Yon po ang talaga ang napakagandang ipapasalubong natin sa buong Pilipinas.
Kaya magandang hapon po sa lahat. Maraming salamat muli.
—————————